Monday, August 22, 2011

Misang Tagalog sa Bangkok goes to... PHUKET!


Matapos ang ilang linggong preparasyon at imbitasyon…
Natuloy din ang byaheng natapat sa bakasyon!

Sa Mary Help of Christians Church sa Surat Thani
Kami’y sinalubong ng mainit na pagbati
Nakipagmisa sa mga taga-roon na kababayan
At pinagsaluhan masarap na umagahan

Sa St. Martin Church sa Pangga nadatnan
Pinaghandaang masarap na tanghalian
May masayang kwentuhan at masiglang awitan
At kami’y namangha sa ganda ng simbahan

Pagdating sa Surin, kami’y napa-WOW!
Sa sunod-sunod na biyaya na tila ba’y nag-uumapaw
Mapinong buhangin, kaaya-ayang karagatan
Sariwang hangin, maginhawang tulugan

Pagsapit ng gabi, gutom ay nakalimutan
Sa dami ba naman ng palarong sinalihan?!?
At matapos kumain ng masarap na hapunan
Aming sinimulan ang palatuntunan

Kanya-kanyang pakulo’t pasikat
Mula sa Bangkok, Phuket at Korat
At sa pagnood ng bawat palabas
Pakiramdam namin kami’y nasa Pilipinas

Paggising sa umaga, lahat ay abala
Sabik na sabik sa pinakahihintay na misa
Napukaw ang puso ng bawat isa
Nang marinig ang Mabuting Balita Niya

Mahirap mang isipin, kailangang tanggapin
Mga kababayan nami’y kailangang lisanin
Nawa’y maghari sa ating isip at damdamin...
Mahal tayo ng Diyos, buhay Siya sa puso natin!